bc

One Day in February [R18+]

book_age18+
1.5K
FOLLOW
4.2K
READ
goodgirl
brave
student
comedy
bxg
humorous
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Lumaking nagtatrabaho si Marikit sa karinderya ng kaniyang Tita Mildred. Hanggang High School lang ang natapos ni Marikit kaya likas naman siyang mahina pagdating sa English. Simula pa dati ay pangarap talaga ni Marikit na makapunta sa US at makapag-asawa ng poging amerikano at maging ganap na US citizen upang makaahon na sa kaniyang buhay ngayon.

May isang palaro sa noontime show na ang jackpot prize ay Trip to USA for two, at dahil nga alam ni Marikit na hindi niya maipapanalo 'yon, napag-isipan niyang pakiusapan ang kababata niyang si Dave na isa nang Med Student ngayon.

Ano kaya ang mangyayari kapag nag clash na ang mga puso ng dalawang taong mas malala pa sa aso at pusa kung mag-away? Will they realize how much they love each other?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"We selling delicious foods in afordably pricing kaya buy na people here!" sigaw ko habang nag-aalis ng mga langaw sa paninda ng Tita kong biyuda. Parangap ko kasi talagang makapunta ng America at ang sabi ng mga kaibigan ko ay kailangan ko namg mag-ensayo na magsalita lang ng english kaya ginagalingan ko na. "Hey people, selling foods is here!" bulyaw ko pa ulit. "Hoy Marikit ang sakit mo sa tenga! Bawas-bawasan mo nga 'yang pag-english mo dahil kahit pumuti pa ang buhok mo ay hindi ka makakarating sa America," saad pa ng chismosang si Aling Cris sa akin. Lagyan ko kaya ng lason ang pagkain na binibili niya dito sa karinderya namin. "Hoy Aling Cris, ang importante hindi pa puti ang buhok ko habang nangangarap ako!" pabalik na bulyaw ko rin sa kaniya. Akala niya siguro magpapatalo ako! Pwe! "Hoy Marikit kapag tayo nawalan ng costumers kakatayin nalang kitang bata ka," ani rin naman ni Tita Mildred sa akin kaya napatawa ako. "Tita, beautiful is your pamangkin standing so never worrying because...uhmm me is dumadami naman ang mga kumakain dito dahil sa akin!" Maganda naman kasi talaga ako kaya lahat ng mga driver ng jeep at tricycle na kababata ko kahit pa nga na matanda ay dito kumakain sa amin. Napangiti naman ako nang mapansin ko ang kaibigan kong si Cherry na papalapit dito sa karinderya namin. Nakakatuwa nga kasi sa lahat ng mga kaklase ko ay nakakapag-aral ng kolehiyo kahit dalawang taon lang, pero ako hangang high school lang talaga dahil alam ko naman na hindi ako matalino. "Marikit!" "Oh Cherry, kumusta naman ang pag-aaral mo?" tanong ko sa kaniya. "Syempre maraming pogi sa school girl, busog na busog araw-araw ang mata ko," sagot niya naman. "Isusumbong kita kay Aling Nene mamaya, pinapa-aral ka ng mga magulang mo ng maayos pagkatapos ay pogi ang binabantayan mo sa paaralan mo?" bulyaw ko sabay palo sa kaniya ng pang-alis ko ng langaw. "Yuck Makirit naman! Kung hindi lang kita kaibigan baka nasampal na kita," ani niya pa sabay tawa at umupo na sa isa sa mga upuan sa karinderya. "Isa ngang adobong atay at piniritong galung-gong." "Right in front, Cherry!" ani ko at kumuha na ng abodong atay at isda. Mabuti nga at hindi pa nagiging atay ang mukha ni Cherry dahil araw-araw nalang yata atay ang kinakain niya dito sa karinderya. "Marikit natatanaw ko na ang balae ko, ipaghanda mo na siya ng paborito niyang bicol express na maanghang," pahayag ni Tita Mildred sa akin kaya napataas ang kilay ko. Iisa lang naman kasing tao ang tinatawag niyang balae dito sa Barangay Punong Galang. "Tita Bicol express nga po at dalawang kanin," dinig kong wika ni Dave kaya napa-irap na ako. Iritang-irita talaga ako sa lalaking 'yan. Akala mo kasi ay alam na niya lahat ng bagay sa mundo. "Marikit unahin mo muna ang order ng hilaw mong jowa, dalawang kanina ha?" ani pa ni Tita Mildred sa akin. "Hayaan niyo po 'yan hanggang sa magutom siya!" sigaw ko pa. Marami pang naunang umorder dito sa akin kaya malamang ay sila muna ang uunahin ko. "Ito na po ang menudo niyo Kuya Boss," wika ko kay Kuya Boss. "Salamat Marikit, sige na at bigyan mo na ng pagkain ang jowa mo." "Jowa? No in my ever life, Kuya!" Umalis na ako at kumuha na ng bicol express. Padabog akong naglakad hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan ni Dave na may tatlong makakapal na libro sa kaniyang gilid. "The order of you is here, eating slowly the poison I putting inside is dead." Akala niya siguro ha! Sigurado naman akong kahit gaano niya pa katalino ay magiging mas mayaman naman ako sa kaniya pagdating ng panahon. Asa naman siyang papayagan ko siyang manligaw sa akin kahit na balae na ang tawag sa kaniya ni Tita. Napatingin naman siya sa akin. "Pwede ba Marikit, 'wag ka ng mag-english. Sumasakit na nga ang ulo ko sa mga lessons ko pati ba naman dito sa karinderya dadagdagan mo pa?" "Edi 'wag kang kumain dito, sino ba kasi may sabi sayong dito ka kakain ng tanghalian ha?" akala niya siguro ay magpapatalo ako. "Hoy Marikit, pipikutin ko 'yang bibig mo mamaya kapag inaway mo pa yang balae ko!" sambit naman sa amin ni Tita kaya bumalik nalang ako sa pwesto ko. "Pera o kaldero na!" sigaw naman ni Kuya Boss kaya dali-dali na akong lumapit sa harap ng telebisyon para manuod. Ito lang kasi talaga palagi ang binabantayan ko tuwing alas-dose ng tanghali. Simula pa kasi dati ay balak ko na talagang sumali diyan. "Girl!" Napalingon naman ako nang makarinig ng pamilyar na boses. "Baklita!" napasigaw naman ako nang makita kong papalapit dito si Diyosa—ang kaibigan kong bakla. "Ang ingay niyo naman nag-uumpisa na ang palabas eh!" reklamo ni Aling Cris. Akala mo naman ay may ambag siya sa pagbili ng telebisyon kung maka reklamo naman ‘to. Umupo na si Diyosa sa gilid ko. “Hoy girl, kumusta naman ang buhay habang wala ako dito?” “Mamaya na tayo mag-chika after the showing in the television ha bakla?” ani ko pa sa kaniya. Matic naman ang ngiti ko nang makita si Toni Gonzaga at si Robi Domingo sa TV. Silang dalawa kasi ang host sa Pera o Kaldero. “A good afternoon to all the viewers around the world! Nandito na naman po tayo sa bagong segment ng Shownatin ngayong araw ang Pera o Kaldero. Mayroon tayong sampung pair of contestants at tanging isang pares lang ang itatanghal na grand winner!” Nagbantay na ako sa mga papasok na contestants at napangiti. Gusto ko rin kasing makapasok diyan at sumali para naman manalo ako ng pera na pang ticket lang na maka-alis na dito sa Pilipinas. “Contestants pasok!” “Grabe no? Ang sarap siguro sa pakiramdam na napapanuod ka ng buong mundo diyan sa TV,” wika naman ni Tita Mildred. “Aba syempre, kapag nandyan ka ay artists ka na eh,” dagdag pa ni Kuya Boss. “For the first question...” “Hoy ‘wag nga kayong maingay!” bulyaw ko sa kanila. “For the first question, what is the capital of New York? Letter A. Manhattan, letter B. Albany, letter C. Brooklyn.” “Oh ano Marikit, hindi ba’t pangarap mong pumunta sa lugar na ‘yan, baka naman hindi mo pa alam ang capital,” wika naman ni Aling Cris. Alam mo ito bida-bida talaga sa buhay ko. Napa-isip naman agad ako. “Syempre alam ko, huwag nga kayo diyan,” sagot ko. “Letter A!” sigaw ko pa. “Letter B.” Napalingon naman ako nang biglang nagsalita si Dave sa likuran ako. “Hindi ka kasali dito bida-bida ka!” ani ko pa. “The correct answer is...letter B, Albany!” Nagsitawanan naman sila sa akin kayaa inirapan ko nalang sila. “Ang galing talaga ng balae ko kahit kailan!” puri ni Tita kay Dave. “Oo nga, paano ba ‘yan Marikit?” “What an ever so ever!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook